Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

“Hindi kami pwede dyan ma’am, madudumi po kami”


Nadaanan ko yung mag tatay na to sa footbridge malapit sa Robinsons Malolos, Sya si tatay Reynaldo. Tinanong kung kumain na ba sila, Sabi nila hindi pa daw. Sabi ko naman tara po kako tay kain tayo sa robinsons sa jollibee, doon na nag simula madurog ang puso ko nung marinig ko yung “Hindi kami pwede dyan ma’am, madudumi po kami”. Nakaramdam ako ng kirot sa puso. 😔 

Sabi pa sakin ni tatay “bibili lang po ako ng gatas akala po nila mamalimos siguro kami”. 

mas lalong kumirot puso ko nung nag share sya sa sitwasyon nya ngayon. 3 years old pa lang yung dalawang anak nya na kambal, Bulag na daw ang isang mata nya at palagi nyang kasama mga anak nya kasi takot daw sya mawala sakanila. 

Yung asawa naman daw nya bagong opera kaya hindi din maka kilos. Nakahiga lang daw. 

Palagi daw sila nasa footbridge, para daw kahit papaano ay may pambili para sa mga anak nya. Wala akong masabi kay tatay, hindi ko kasi alam paano mag react sa mga kwento nya. Binigyan ko na lang kahit papaano, kahit kaunti. Makatulong lang sakanila. Pero ang iniisip ko, paano sila sa mga susunod? 😔

First time ko lang po itong gagawin, hindi ko po pinost to para puriin ako sa ginawa ko. Hindi ko rin po pinost to para mag pasikat. Kayo na po bahala kung ano po ang iisipin nyo sakin. Ito lang din po kasi isa sa mga paraan na naiisip ko baka kahit papaano makatulong. 

Gusto ko lang din po sana makiusap na pag nadaanan nyo po sila, kung ano lang po bukal sa kalooban nyo or kung gusto nyo lang po bigyan, bigyan nyo. Maliit man po or malaki, sobrang laking bagay na po sakanila nun. Kung makikita nyo lang po reaction ni tatay, hindi naman po super laki or super dami ng binigay ko, 

mararamdaman nyong sobra sobra na po sakanila yon. Hindi ko lang din po kaya makita yung mga anak nya na ganon pa lang kaliliit, ganoon na po nararanasan. 

Ang magulang talaga lahat gagawin para sa mga anak. 🥺❤️

📸 Orginal Post: Rossiana Marie Clemente Bugayong

Post a Comment

0 Comments