Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Delivery Rider Nagtapos bilang Magna Cum Laude



Ang 23-taong gulang na delivery rider na si Francis Jan Ax Valerio mula sa ParaƱaque City ay nagtapos bilang magna cum laude sa kanyang kursong Bachelor of Arts in Communication sa Adamson University kahapon, Hulyo 14, 2022.

Noong 2020, naging viral si Valerio dahil sa patuloy niyang pagdalo sa online classes kahit abala siya sa kanyang mga raket.

"Ang naging motivation ko ay ang aking pamilya. High school ako noon at talagang walang-wala kami. Pinapalayas kami ng mga landlords sa inuupahan namin dahil hindi kami nakakabayad ng upa kaya tinulungan ko tatay ko magtinda ng suman para may baon ako sa school. Hanggang sa nakapasok na ako sa iba't ibang part-time jobs para kumita ng pera at makatulong sa kanila. Kaya naman iniaalay ko ang tagumpay na ito sa aking mga magulang. Sa tatay ko na nagturo sa akin paano magsumikap sa buhay at sa nanay ko - ang aking unang guro, ang nagturo sa akin paano bumasa at sumulat. Sila ang may pinakamalaking parte ng tagumpay na ito. Kaya para sa kanila po 'yan," ibinahagi ni Valerio sa isang online interview sa Manila Bulletin.

Ngayon, balak ni Valerio na mag-focus sa kanyang karera dahil pumirma na siya ng kontrata sa isang corporate na kumpanya. Plano rin niyang mag-aral sa law school o film school sa hinaharap.

šŸ“ø: Ax Valerio

Post a Comment

1 Comments